DepEd Taguig-Pateros, mamahala sa public schools sa EMBO barangays

Kinumpirma ng Department of Education (DepED) Taguig-Pateros na sila na mismo ang mamahala sa labing apat na pampublikong paaralan sa EMBO barangays.

Ito ay matapos ang nangyaring land dispute sa pagitan ng Makati at Taguig.

Ayon sa DepEd, sa kabila ng iba pang partikular na isyu at apelang kinahaharap ng nasabing paglipat ng mga EMBO barangays sa Taguig ay maituturing ng tapos ang ‘transition’.

Maalala, ilan lang sa mga EMBO barangays na nalipat sa Taguig ay ang Cembo, Comembo, Pembo at East Rembo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *