DepEd, target buksan ang susunod na school year sa Aug. 23

Target ng Department of Education na buksan ang susunod na school year sa August 23.

Ayon kay Education Underecretary Diosdado San Antonio, hindi pa naman ito pinal, pero ito ngayon ang kanilang iminumungkahi.

Pero ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), ang mungkahi ng DepEd ay isa na namang problema dahil mababawasan ang proportional vacation pay ng mga guro mula sa 80-days-worth sa 59, sakaling ituloy ang August 23 class opening.

Giit ng ACT, ang extended school year 2020- 2021 ay nagre-require na sa mga guro na mag-render ng 77 working days ng overtime, nang walang kahit isang araw na leave benefit.

Mababatid na sa kasalukuyang academic year para sa kindergarteners hanggang sa high students sa mga public schools, ay orihinal sana na magtatapos sa June 11 ang klase, pero naipagpaliban sa July 10 dahil sa learning gaps na kanilang naobserbahan na kailangang matugunan. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *