DepEd, umaasa na madadagdagan ng suportang financial mula sa gobyerno

Umaasa ang Department of Education na madadagdagan ng suportang pinansyal mula sa gobyerno upang mapaangat pa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Ito ay matapos na lumabas sa pag-aaral na malaki ang deperensya sa inilaang pondo ng Pilipinas kada estudyante kung ikukumpara sa ibang mga bansa.

Ayon sa DepEd posibleng manatiling kulelat ang bansa pagdating sa assessment sa mga Pilipinong estudyante kung hindi dadagdagan ng gobyerno ang pagpopondo nito sa sektor ng edukasyon.

Mababatid na lumabas sa resulta ng 2023  Program for International Student Assessment na napag-iiwanan pa rin ang mga estudyante sa Mathematics, Science at Reading.

Nakita rin sa pag-aaral na pagdating sa gastos sa edukasyon nasa USD 11,030 o higit P630 lamang ang ginagastos ng Pilipinas kada mag-aaral na siyam na beses na mas mababa.

Bagamat ang sektor ng edukasyon ang nakakatanggap ng malaking pondo mula sa gobyerno kada taon kulang pa rin ito ayon sa ahensya.

Gayunman aminado ang kagawaran na nakabase rin sa gross domestic product ang Pilipinas sa prosyentong maaaring maibigay sa edukasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *