DepEd, unti-unti nang ibinabalik ang dating school calendar

Binago ng Department of Education ang school calendar para sa unti-unting pagbabalik sa dating Hunyo hanggang Marso na pasukan.

Sa inilabas na kautusan ng ahensya sinabi ni DepEd Usec. Michael Poa na magtatapos na ang kasalukuyang school year sa Mayo 31, 2024 mula sa dating June 14 2024.

July 29, 2024 magsisimula ang susunod na pasukan.

Inaasahan namang sa school year 2026-2027 maibabalik na sa Hunyo ang pagsisimula ng school year.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *