DepEd – walang ‘Pang Baon’ o pamamahagi ng pera sa Grades 1-6

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang na walang katotohanan ang kumakalat ngayon sa social media na pamamahagi ng cash aid sa mga grades 1 to 6 learners.

Ito ay makaraang ma-monitor nila ang isang post kung saan, mayroon ‘di umanong ‘Pang Baon’ na P1,000 para sa grade 1; P2,000 sa grade 2; P2,500 sa grade 3; P3,000 sa grade 4; P4,000 sa grade 5; at P5,000 sa grade 6.

Sa post, makikita pa ang retrato ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte kung saan – kailangan lang daw ng school ID para maka-avail.

Sabi ng Kagawaran – hindi ito totoo.

Inabisuhan din nito ang mga magulang na maging vigilant laban sa misinformation.

Ang ano mang mga suspiscious na gawain ay maaari umanong i-report sa kanilang tanggapan; ‘o ‘di kaya’y sa kanilang e-mail na [email protected].

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *