Deployment ng mga personnel ng PNP Del Gallego at iba pang law enforcement unit mas papaigtingin ngayon Semana Santa

CAMARINES SUR – Papaigtingin pa ngayon ng PNP Del Gallego, Camarines Sur ang deployment ng kanilang mga personahe kaugnay ng nalalapit na Semana Santa, para sa pagbibigay motorist assistance sa mga biyahero ngayong mahal na araw.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMAJ. Chester Enriquez,  hepe ng naturang himpilan, aniya nakaactivate na ang PNP, BFP at MDRRM para sa pagbibigay ng assistensya sa mga motorista, wala pang derektiba sa kanila ang higher headquarters kung may augmentation force mula sa ilang law enforcement unit.

Tanging apila na lamang ng opisyal sa mga motorista na uuwi sa probinsya ngayong holy week na i-check ng maigi ang sasakyan bago bumiyahe ng hindi magkaproblema sa daan at maiwasan ang hindi inaasahang aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *