Deployment plan kaugnay ng nalalapit na Semana Santa sa Daraga, inilatag ng PSO Daraga

LEGAZPI CITY – Kasado na ang deployment plan ng Public Safety Office (PSO) Draga, Albay kaugnay ng nalalapit na Semana Santa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PSO Daraga Public Information Officer and Secretary Lorenzo Bañas, sinabi niya mayroon na silang deployment plan para sa mga public safety personnel na ilalatag sa bayan lalo na sa may Cagsawa Ruins Park dahil sa inaasahang foreign and local tourists na darating.

Aniya, handa na rin ang kanilang opisina sa pagse-secure nila sa mga lugar na dadaanan ng prusisyon sa darating na Holy Wednesday at Holy Friday.

Ayon kay Bañas, kung ano ang mga lugar na dineployan ng mga personahe noong nakaraang taon, iyon pa rin naman ang sa ngayon at wala namang nabago maliban sa pagdagdag ng ruta para sa prusisyon.

Pinal na umano ito ayon kay Bañas at wala nang inaasahang pagbabago sa mga susunod na araw.

Tiniyak naman niya na katuwang nila ang Daraga PNP para sa pagpapaigting ng kaligtasan at seguridad ng publiko sa Semana Santa.

Samantala, bukas lamang umano ang kanilang opisina para sa anuman na mga concerns.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *