Depressed sa lockdown nagbigti

SORSOGON CITY – Sa sobrang depresyon na dinaranas dahil sa lockdown, isang 57-anyos na babae na nawalan na ng pag-asang mabuhay pa ang nagpasyang magbigti sa bayan ng Batuan, Masbate.

Kinilala ang biktima na si Merlinda Ramon Antisco, may kinakasama at nainirahan sa Brgy Danao ng nasabing bayan.

Ang biktima ay natagpuang wala ng buhay sa loob ng kanyang kuwarto at nakabigti sa kisame gamit ang lubid.

Sa pahayag sa Brigada News ng imbestigador ng nasabing kaso, na-depressed umano ang biktima simula nang nagpatupad ng ‘lockdown’ sa naturang barangay ng halos isang linggo dahil sa nagkaroon ng 7 residente na nagpositibo sa coronavirus disease.

Ang biktima umano ay tubong Roxas City, Capiz at gusto na nitong umuwi.

Ayon sa kalive-in nito, nang magsimula ang lockdown ay nagsimula rin na kinakausap nito ang sarili. Naringgan ito ng mga katagang – “Huwag kang maingay, kasi pagkatapos ng quarantine, ako naman ang isusunod kasi galing ako sa Maynila.’’

Bago umano ang pagpapakamatay ng biktima ay kapansinpansin ang pagiging matakutin nito, hindi mapakali at mistulang nasiraan na ng bait.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *