Deputation order ng HPG 12, expired ayon sa LTO 12

KORONADAL CITY – EXPIRED ang deputation order ng Philippine National Police – Highway Patrol Group o PNP HPG sa Soccsksargen region. Inihayag ni Land Transportation Office o LTO 12 Regional Director Melharrieh Tomawis na noong December 31, 2023 pa expired ang deputation order ng HPG at hindi pa ito nare-renew.

Ang non-renewal ng deputation order ng ahensya ay dahil sa mga isyu at reklamo na kailangan munang resolbahin. Dahil dito, inihayag ni Tomawis na bawal nang manghuli ang HPG ng mga motorista na may LTO violations.

Ngunit nilinaw nito na maaari pa ring makapagsagawa ng operasyon ang HPG para sa anti-carnapping enforcement. Hinihikayat naman ng opisyal ang mga motorista na maghain ng reklamo kung hinuli ang mga ito at inisyuhan ng citation ticket ng HPG dahil sa expired na lisensya o registration ng sasakyan at iba pang LTO violations upang maibestigahan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *