Desiree del Valle, 17-weeks pregnant

Isiniwalat ng aktor na si Boom Labrusca na 17-weeks nang buntis ang kanyang misis na si Desiree del Valle.

Sa Isntagram account ni Boom, ay makikita ang litrato ni Desiree na naka-bikini kung saan ay mapapansin ang kanyang baby bump at pati na rin ang mga imahe ng sonogram ng kanilang panganay.

Mababasa sa caption ng post ni Boom, “Believe in what you Pray for.. ‘At the right time, I, the Lord will make it happen’ Isaiah 60:22,”

Dagdag ni Boom, nalaman nila ang tungkol sa pregnancy ni Desiree noong April 22, 2021.

Sinabi rin ni Boom sa kanyang post kahapon, “Btw it is also my darling’s b-day today. So Happy Happy bday to my best friend, my wife, my Life,”

Matatandaan na mahigit limang taon rin naging magkarelasyon sina Desiree at Boom bago sila ikinasal sa isang intimate wedding ceremony sa South Lake Tahoe, California noong 2016. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *