Developed countries, dapat pag-ibayuhin ang paglaban sa climate change – PBBM

Kinalampag ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga developed countries na gawin ang kanilang parte sa pag-address sa climate change.

Sa kanyang talumpati sa harap ng Australian Parliamentary, iginiit ng Pangulo na kinakailangan pa ng mas matinding pagsisikap mula sa mga maunlad na bansa upang malabanan ang epekto ng pagbabago ng klima, at nararapat itong gawin sa lalong madaling panahon.

Tinukoy din ng Pangulo na ang hindi pagkakapantay-pantay sa responsibilidad at kahinaan ng mga bansa sa harap ng climate change ay isang uri ng injustice na dapat ituwid.

Inihayag naman ni Marcos na tinatanggap ng Pilipinas ang parte nito sa collective responsibility sa pagharap sa climate change.

Sa katunayan nakatuon anya ang kanyang administrasyon sa affordable at sustainable energy transition tungo sa carbon neutrality.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *