DFA – ino-notify na ang PH embassies sa ibang bansa re: Teves’ passport cancellation

Magpapalabas agad ng department order ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kanselasyon ng pasaporte ni dating Congressman Arnolfo Teves Jr. sa oras na matanggap nila ang kautusan ng Manila Regional Trail Court 51.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, ipapaalam agad ng ahensya sa bansang kinaroroonan ni Teves na kanselado na ang kanyang passport, at sila na ang bahala kung aarestuhin ito o ikokosindera bilang illegal alien.

Maalaalang huling na-monitor ang dating Kongresista sa Timor-Leste.

Ngunit ayon kay de Vega, magpapadala sila ng komunikasyon sa lahat embahada ng bansa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *