DFA, kinumpirma ang pagharang ng immigration kay dating PNP Chief Azurin sa Canada

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang naganap na pagharang kay dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. sa Canada.

Sa Debate sa plenaryo sa Kamara para sa panukalang 2024 budget ng DFA, inungkat ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang bali-balita ukol kay Azurin.

Batay kay Libanan, may raw report daw kasi hinggil sa umano’y interception kay Azurin sa isang paliparan sa Canada.

Sinagot naman ito ni Nueva Ecija Representative Joseph Violago na siyang sponsor ng DFA budget, at sinabi niyang nangyari ang insidente noong mga nakalipas na araw kung saan natungo ang dating PNP Chief sa Canada sa kanyang private capacity.

Wala aniyang assistance o nagawa ang Philippine Embassy dahil si Azurin ang boluntaryong bumalik sa ating bansa.

Tinitingnan na raw ng Canada ang nangyari at babalikan ng Canadian embassy ang Pilipinas kung ano ang tunay na naganap.

Sinabi ni Violago, parang nagkaroon ng misinterpretation o misunderstanding at nagpaabaot naman daw ng regrets gobyerno ng Canada hinggil sa insidente.

Hindi na naman nagbigay ng iba pang detalye ang mambabatas dahil sa privacy purposes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *