DFA: Mga Pinoy sa abroad na may COVID-19, lampas 20,000 na

Pumalo na sa 20,090 ang bilang ng mga Pilipino na naapektuhan ng COVID-19 sa labas ng bansa matapos itong madagdagan ng 153 bagong kaso.

Inanunsyo rin ng Department of Foreign Affairs na tumaas ang recoveries sa 12,703 matapos itong madagdagan ng 4 na recoveries.

Naitala rin ng DFA ang dalawang bagong fatalities na dahilan para umabot ang death toll ng mga Pilipino sa iba’t-ibang  bahagi ng mundo sa 1,198.

Kaugnay nito ay meron pang 6,819 na Pilipino ang patuloy na sumasailalim sa gamutan sa abroad.

Makikita naman sa datos ng DFA nanaitala ang 4,217 na kumpirmadong kaso ng mga Pilipino na may

COVID-19 sa Asia Pacific Region na may 1,501 na pasyente na sumasailalim sa gamutan habang ang recoveries at fatalities nito ay nasa 2,683 at 33.

Samantala, nagpositibo naman ang 11,359 na Pilipino sa Middle East/Africa kabilang na ang 4,273 na aktibong kaso, 6,293 na recoveries, at 793 na nasawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *