DFA, nagpasalamat sa Qatar para sa pagtulong para makatawid ang nasa 40 na mga Pilipino

Nagpasalamat ang Gobyerno ng Pilipinas sa Qatar para sa pag-mediate sa pagitan ng Israel at Hamas para sa pagbubukas ng isang humanitarian corridor.

Sa isang X post – ipinahayag ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo ang kaniyang pasasalamat sa Qatar para sa pagtulong nito sa pagbubukas ng Rafah Border.

Kung maaalala – nakatawid na ang nasa 40 na mga Pilipino sa border crossing.

Inaasahan namang sa araw ng Biyernes ay makababalik na sila dito sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *