DFA, nanindigang China at hindi Pilipinas ang nanghihimasok sa Bajo de Masinloc

Pinalagan ng Gobyerno ng Pilipinas ang naging pahayag ng China na tayo ang nanghimasok sa teritoryo natin.

Ito ang naging tugon ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos sabihin ng Chinese People’s Liberation Army na nag-‘intrude’ umano ang BRP Conrado Yap ng Pilipinas sa bahagi ng Bajo de Masinloc.

Sabi ng DFA – malinaw daw na ang China ang nanghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas dahil ang Bajo de Masinloc ay ‘integral part’ ng ating teritoryo.

Ayon sa Kagawaran – walang legal na basehan ang alegasyon ng China at nagpapataas lamang daw ito ng tensyon sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *