DFA – nanindigang walang cabinet-level official ng Marcos admin ang pumasok sa agreement sa China

Muling nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nangyaring kasunduan sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at ng China hinggil sa Ayungin Shoal.

Sa isang pahayag – idiniin ng DFA na tanging ang Pangulo lang ng Republika ng Pilipinas ang maaaring pumasok sa isang kasunduan, kung mayroon man.

Anila, walang ni-isang cabinet-level official ng Marcos administration ang nag-agree sa isang proposal mula sa China.

Idiniin ng Kagawaran na walang kahit na anong dokumento, na magpapatunay sa kine-claim ng Chinese Embassy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *