Editors Pick

DFA – walang nakitang foul play sa pagkamatay ng isang Filipina sa Hong Kong

Walang ebidensya ng foul play kaugnay sa pagkamatay ng isang babaeng Pilipino na ang labi ay natagpuang lumulutang sa tubig malapit sa Tsing Yi pier sa Hong Kong noong July 13.

Sa LagingHanda public briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Paul Cortes na walang foul play na lumabas sa imbestigasyon ng Hong Kong authorities.

Sa kabila niyan, kailangan pa rin umanong hinatayin ang official report kaugnay sa sanhi ng pagkamatay.

Samantala, magbibigay ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas, Hong Kong authority at ang employer ng Hong Kong ng nasabing overseas Filipino worker.

Sinabi ni Cortes na kailangang ilabas ng mga awtoridad ng Hong Kong ang certificate of the cause of death bago magawa ang pagsasaayos para sa pagpapauwi ng mga labi ng OFW.

Gayunpaman, tiniyak ni Cortes sa publiko na ginagawa ng gobyerno ng Hong Kong ang lahat ng kanilang makakaya upang makatulong.
#

BNFM Makati

Recent Posts

NCRPO, maagang nagbabala sa mga raliyistang magsusunog ng protest materials kasabay ng ikatlong SONA ni PBBM

Maagang nagbabala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga raliyistang magsusunog ng effigy…

13 mins ago

Barangay, SK elections – gusto ulit ipagpaliban

Isinusulong ni Camarines Sur Second District Representative LRay Villafuerte ang isang panukalang batas na layong…

32 mins ago

Chinese warship at dalawang iba pang barko naispatan sa Balikatan sa Batanes

Naispatan ng PCG ang Chinese waship at dalawang barko mula Beijing sa kasagsagan ng bilateral…

45 mins ago

Japan at Sweden, makikiisa sa ikakasang civilian mission sa WPS

Lalahok ang ilang mga indibidwal at mga tauhan ng embahada ng Japan at Sweden sa…

1 hour ago

58th Olongapo Cityhood Celebration, isasagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo

Magsasagawa ng iba’t – ibang aktibidad ang Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo. Ito ay para sa…

1 hour ago

PCG, target na bakuran ang Catanduanes

Target ng Philippine Coast Guard na magtayo ng base sa Catanduanes upang makatulong na palakasin…

1 hour ago