DFA – walang nakitang foul play sa pagkamatay ng isang Filipina sa Hong Kong

Walang ebidensya ng foul play kaugnay sa pagkamatay ng isang babaeng Pilipino na ang labi ay natagpuang lumulutang sa tubig malapit sa Tsing Yi pier sa Hong Kong noong July 13.

Sa LagingHanda public briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Paul Cortes na walang foul play na lumabas sa imbestigasyon ng Hong Kong authorities.

Sa kabila niyan, kailangan pa rin umanong hinatayin ang official report kaugnay sa sanhi ng pagkamatay.

Samantala, magbibigay ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas, Hong Kong authority at ang employer ng Hong Kong ng nasabing overseas Filipino worker.

Sinabi ni Cortes na kailangang ilabas ng mga awtoridad ng Hong Kong ang certificate of the cause of death bago magawa ang pagsasaayos para sa pagpapauwi ng mga labi ng OFW.

Gayunpaman, tiniyak ni Cortes sa publiko na ginagawa ng gobyerno ng Hong Kong ang lahat ng kanilang makakaya upang makatulong.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *