DHSUD-12 magpapatayo ng regional office sa Koronadal City

KORONADAL CITY- PINANGUNAHAN ni Secretary Eduardo Del Rosario ang groundbreaking ceremony ng regional administrative building ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD sa Koronadal City.

Ang tatlong palapag na gusali ng DHSUD-12 ay itatayo sa 1,000 square-meters na lupa sa likod ng City Hall.

Kasabay ng groundbreaking ceremony, lumagda din sa usufruct agreement ang kalihim at ang city government na nagbibigay ng permiso sa DHSUD na gamitin ang naturang lupa sa loob ng 50 taon na posible pang palawigin hanggang sa susunod pang 50 taon.

Pinasiguro naman ni Del Rosario na handa ang kanilang tanggapan sa pagtulong sa mga local government units lalo na sa pagbibigay ng matitirhan sa mga mahihirap na pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *