DHSUD Central Luzon, nagbabala sa publiko hinggil sa mga “fly-by-nighters”

Nagbabala ang Department of Human Settlement and Urban Development o DHSUD Central Luzon sa publiko laban sa mga “fly-by-night” operators sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino program.

Ayon kay DHSUD Regional Director Julius Ervin Enciso, nakatanggap sila ng report hinggil sa mga illegal developers na nangongolekta ng pera para sa reservation umano sa pag-avail ng housing unit sa ilalim ng naturang programa.

Paglilinaw ni Enciso, walang hinihinging down payment o reservation fee para maging benepisyaryo ng pabahay ng Gobyerno.

Dahil dito ay bumuo ng task force ang DHSUD para hulihin ang mga illegal developers.

Samantala, pinapayuhan naman ng ahensya ang publiko na nais mag-avail ng pabahay ng national government, na lumapit at makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga LGUs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *