Dialaysis services para sa 10 EMBO barangays, binuksan ng Taguig LGU

Nagbukas ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng teleconsultation hotline para sa 10 EMBO barangays.

Sa social media account ng Taguig LGU, nakalagay ang hotline para sa bawat barangay.

Bukod dito, kapag gusto namang magpakonsulta ng personal – maaring pumunta ang mga taga-EMBO barangays sa Philhealth accredited na 31 health centers at superhealth centers ng Taguig.

Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan na bukas at libre para sa EMBO barangays ang Taguig Dialysis Center na nasa ikatlong palapag ng Center for the elderly Building, Barangay North Signal.

Bukas ang center mula alas-sais ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Ayon sa Taguig LGU, ito’y bilang tugon sa biglaang pagpapasara ng Makati LGU sa mga health centers ng 10 EMBO barangays.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *