DICT at PNP, pinagsusumite sa Senado ng kanilang plano sa mga cyber attacks

Naniniwala si Senate Committee on Science and Technology Chairperson, Senator Alan Peter Cayetano na kailangan pang pagtibayin ng gobyerno ang cybersecurity sa bansa.

Ito ay matapos ang sunud-sunod na data breach at hacking sa ilang ahensya ng gobyerno tulad ng nangyari sa Philippine Statistics Authority.

Kaugnay nito, hinimok ni Cayetano ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Philippine National Police (PNP) na magsumite ng kanilang plano kung paano matutuligsa ang mga ganitong insidente.

Ayon kay Cayetano, importante ring magkaroon ng sapat na cyber experts na siyang kulang sa dalawang ahensya.

Giit kase ng mga ito, nahihirapan umano sila makakuha ng mga aplikante para rito dahil sa baba ng sweldo.

Maalala, ayon sa awtoridad, nasa limampu’t limang cyber experts lang ang mayroon ang DICT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *