Digital ayuda, isinusulong ng DSWD

Pina-plantsa na ngayon ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang paglulunsad ng digital ayuda.

Sa Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ideya ito ni Pangulong Bongbong Marcos bilang tugon daw sa nagbabagong panahon.

Sa ilalim ng digital ayuda, uunahin ng DSWD ang mga non-cash na uri ng tulong tulad ng guarantee letter na ibinibigay sa mga pampubliko at pribadong ospital.

Sa pamamagitan ng isang online portal na ilulunsad ng DSWD, dito mag a-upload ng mga pangunahing kinakailangang dokumento ang nanghihingi ng tulong tulad ng hospital bill.

Bukod dito, nakatakda ring makipag-ugnayan ang ahensya sa e-wallet para sa posibleng joint venture na makakatulong sa mas mabilis na pamamahagi ng tulong.

Bukas naman daw ang Commission o Audit o COA na repasuhin ang kanilang rules basta ipakita lang ng DSWD ang kanilang template.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *