DILG Albay, nilinaw kung sino ang papalit sa posisyon ni Legazpi Coun. Barizo

LEGAZPI CITY – Binigyang-linaw na ng Department of Interior and Local Government (DILG) Albay kung sino ang dapat na papalit o uupo sa posisyon ni Legazpi City Councilor Al Barizo sa oras na tuluyan na nitong bakantehin ang kanyang pwesto kasunod ng kautusan ng DILG.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DILG Albay Ray Caceres, sinabi niya na sa oras na mabakante ang posisyon, otomatikong tataas ang mga miyembro ng Sangguniang Panlunsod.

Ngunit dahil mayroong kulang sa sanggunian, dito na kinakailangang mag-appoint ng pupuno nito.

Ayon kay Caceres, manggagaling sa partido ni Barizo ang pupuno sa sanggunian, kung saan ang highest official ang siyang mag-eendorse ng nominee.

Kapag mayroon nang nominado mula sa partido, siya rin ang ia-appoint ni Governor Grex Lagman.

Paglilinaw ni Caceres, ang bagong opisyal ay hindi maaaring umupo sa posisyong binakante ni Barizo sapagkat appointed lamang ito.

Kung babalikan, kamakailan ay ipinag-utos na ng DILG ang pagpapababa kay Barizo sa puwesto matapos na magtibayin ng COMELEC ang resolusyong nagdidiskwalipika sa kanya sa pagtakbong konsehal noong nakaraang national and local elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *