DILG, inatasan ang mga barangay na ipatupad ang mga alituntunin sa ilalim ng memorandum ciruclar no. 2021-058

Inilatag ng Department of Interior and Local Government ang ilang alituntuning dapat na ipatupad ng mga punong barangay sa kanilang nasasakupan sa ilalim ng Memondum Circular No. 2021-058.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, sa ilalim ng nasabing memorandum circular ay mayroong direktiba sa mga punong barangay na ipatupad sa kanilang nasasakupan ang ilang effective control measures.

Ito ay kinabibilangan ng istriktong pagpapatupad ng minimum health protocols, mandatong pagbuo ng Barangay COVID-19 Operations Center at barangay tanod health patrols, pagbawal sa mga public gatherings, pagbibigay ng assistance sa mga community pantry operations at pagkakaroon ng emergency number na maaring tawagan kapag may nakitaang lumalabag sa mass gatherings.

Ang nasabing mga alituntunin ay ipinatupad ng DILG matapos mapaulat ang paglabag ng ilang barangay sa mass gathering restrictions na nagdulot ng biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Samantala, nanawagan naman ang Isabela Provincial Office na tulungan ng publiko ang barangay sa pagprotekta sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng pagsumbong sa mga otoridad kung may makikitaang lumalabag sa minimum public health standards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *