National

DILG, iniimbistigahan na ang ‘financial assistance’ na ipinapamigay sa panahon ng eleksyon

Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na iniimbistigahan na ang umano’y mga financial assistance na ipinapamigay sa mga mamamayan sa araw ng kampanya ng mga kandidato.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, mayroon lamang mga iilang ayuda mula sa gobyerno na maaaring makuha sa panahon ng eleksyon katulad na lamang ng 4Ps na ibinibigay sa mga mahihirap na pamilya.

Sinabi din ni Año na kinakailangan ng clearance mula sa Commission on Elections (Comelec) bago ibigay ang naturang tulong katulad ng fuel subsidy para sa mga tsuper at ilang manggagawa sa bansa.

Samantala, panawagan ng kalihim na kumpletuhin ang mga detalye na ini-rereport sa kanila para mas maging matibay ang ibidensya kaugnay sa panukalang Task Force Konta-bigay. (ARGIE ERGINA)

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

8 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

8 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

8 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago