DILG, ipinauubaya na sa DOJ kung may kakaharaping kaso si dating PRRD

Ipinauubaya na sa Department of Justice o DOJ ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang usapin sa kung ano ang maaaring kaharapin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga naging pahayag nito sa paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na ang DOJ ang mag aanalisa sa naturang isyu, kung maituturing bang sedition ang pagsusulong ng One Mindanao ng dating Pangulo.

Nabatid na nauna nang naglabas ng pahayag ang DOJ na mahigpit nilang tinututulan ang panawagan sa paghihiwalay ng Mindanao, at mariing tumitindig laban sa anumang pagtatangkang buwagin ang pagkakaisa at territorial integrity ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *