DILG: mananatili ang ‘intensity’ ng war on drugs ng Duterte admin sa Marcos admin

Mananatili ang ‘intensity’ ng war on drugs ng nagdaang administrasyon sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Ito ang naging pahayag ni Interior Secretary Benhur Abalos kaugnay ng pagsugpo ng gobyerno sa ilegal na droga.

Ayon kay Abalos, gagamitin nila ang kapangyarihan ng gobyerno, komunidad, kabataan, paaralan, simbahan, pribadong sektor, maging ang bawat Pilipino.

Sinabi rin ng kalihim na ang implementasyon ng anti-drug campaign ay mula sa kanyang sinumpaan bilang public official na naaayon sa konstitusyon.

Sa inilabas na datos ng Department of the Interior and Local Government, 24, 159 drug suspects na ang naaresto, habang P9.9 billion na halaga ng ilegal na droga ang nakompiska simula Hulyo hanggang Nobyembre.

Samantala, nakapagtala ang ahensya ng 301 drug-related killings simula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon, 152 sa mga ito ang napatay sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *