Local News

DILG may naitalang 152 RCSP beneficiary barangays sa Masbate

Pinangunahan ng DILG-Masbate ang pagsagawa ng Provl Security Briefing sa pagpapatupad ng Retooled Community Support Program (RCSP) ngayong 2023.

Ang aktibidad ay naglalayong tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng pagpapatupad ng RCSP sa mga target na barangay sa buong yugto ng immersion.

Sa aktibidad, dito ipinakita ng mga miyembro ng Peace, Law Enforcement and Development Support (PLEDS) Team ang kasalukuyang affectation at peace and order status ng 152 RCSP beneficiary barangays sa lalawigan.

Ayon kay DILG-Masbate Provl Director Ben Paul Naz, nasa ika-4 na taon na ang pagpapatupad nito sa lalawigan, kung kaya’t pinasalamatan nito ang sector ng seguridad sa kanilang matibay na suporta sa buong taon.

Sa nasabing briefing, iniharap naman ni  Local Government Monitoring and Evaluation Section (LGMES) chief at RCSP Provl Focal Person Local Govt Operations Officer Melrose Rebaya ang mga target ng RCSP 2023, overall strategy at accomplishment mula sa 2022 RCSP Implementation.

Isang Threat Situation Update naman ang ibinigay ng Phil Army, na naging dahilan ng pagtalakay sa mga isyu at alalahanin tungkol sa pagpapatupad ng Threat Situation ngayong taon.

Nabatid na ang DILG Masbate ang mayroong pinakamalaking bilang ng mga target na barangay sa buong rehiyon at patuloy na nagsisikap ang ahensya upang matiyak ang matagumpay na pagpapatupad at pagpapatakbo ng RCSP ngayong taon.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago