Covid Update

DILG sa mga LGUs, publiko: Beware vs fake Pfizer COVID-19 vaccines

Nagbabala ang Department of Interior and Local Government sa mga local government units at ang publiko laban ssa pagbili ngpekeng Pfizer COVID-19 vaccines na sinasabing nakalusot na sa global market.

Ang pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año aymatapos maalarma ang World Health Organization sa counterfeit COVID-19 vaccine na may pangalang “BNT162b2,” na umano’y manufactured ng Pfizer-BioNTech.

Dahil dito, nanawagan si Año sa mga opisyal ng gobyerno na tiyakin na sila ay bibili lang ng medical products mula sa mga otorisadong suppliers.

Bagama’t wala pang impormasyon kaugnay sa presensya ng pekeng bakuna sa bansa, dapat ipatupad na ng mga LGUs ang mahigpit na pag-iingat, dahil ang naturang mga bakuna posibleng delikado sa kalusugan ng mga mababakunahan.

Sa inilabas na global alert noong nakaraang buwan, sinabi ng WHO na nagsasagawa pa sila ng laboratory analysis sa mga contents ng falsified product, na unang nadiskubre sa Mexico, na may lot number “783201” at nakasulat ang August 24 na expiry date. // MHEL PACIA

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

3 hours ago