Local News

DILG Palawan, wala pang hawak na kopya ng suspension order ni Narra Mayor Gerandy Danao

Wala pa umanong natatanggap na kopya ng umano’y suspension order ang Provincial Department of Interior & Local Government (DILG) kay Narra Mayor Gerandy B. Danao.

Ayon kay Provincial Director Virgilio Tagle, sa oras na matanggap niya mula sa regional office ang kausutan na galing sa Office of the Ombudsman ay agad niya itong ipapatupad.

Si Diretor Tagle umano ang personal na mag-aabot nito o magdadala sa opisina ng alkalde sa munisipyo sa oras na matanggap ang kopya.

Mababatid na kinumpirma ng kampo ng alkalde na si Mayor Danao ay sinususpende ng OMB  dahil sa mga kasong isinampa noon ng City Nickel Mines & Development Corporation.

Ang alkalde ay sinampahan ng reklamong Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty, paglabag sa Anti-Red Tape Act at paglabag sa Code of Ethics and Ethical Standards.

Gayunman, inihayag ng tagapagsalita ni Mayor Danao na si Jojo Gastanes na nakahanda ang punong bayan na tanggapin ito bago ito bababa sa pwesto.

BNFM Palawan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

12 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

12 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

12 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

12 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

12 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago