DILG, pinabibilisan ang pamimigay ng fuel subsidy

KORONADAL CITY — PINABIBILISAN na ng Department of Interior and Local Government o DILG sa mga local government unit sa buong bansa ang pag-proseso sa listahan ng mga tricycle drivers na makakatanggap ng fuel subsidy program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa ilalim ng Service Contracting Program.

Ito ang inihayag ni DILG Undersecretary Epimaco Densing, III sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Densing, nasa P2.5 Billion ang inilaan ng LTFRB para sa public transport kung saan P625-million dito ang mapupunta sa mga tricycle drivers.

Sinabi ng opisyal na Mayo 19 ang deadline sa buong bansa sa pagsusumite ng mga requiremet sa central office.

Inaasahan naman na nasa P6,500 ang maaaring matanggap ng mga drivers, ngunit maaari paring magbago base sa dami ng magiging benipisyaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *