DILG Provincial Office “no comment” muna sa isyu ng partisipasyon ng elected barangay officials sa People’s Initiative

CAMARINES NORTE – Tumanggi munang magkomento ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Office kaugnay sa partisipasyon ng mga halal na opisyal sa Barangay sa People’s initiative o pangangalap ng pirma para sa pagbabago ng Saligang Batas.

Ito ay ng subukan ng Brigada News FM Daet na kunan ng pahayag ukol dito si DILG Provincial Director Melody Relucio.

Sa halip naman na magbigay ng panayam kaugnay sa People’s Innitiative, inulit na lamang nito ang pahayag ni  Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na nagbigay ng paglilinaw hinggil sa magiging papel ng elected barangay officials.

Ayon dito, pinapayagan ang elected barangay officials na makilahok sa partisan political activities kasama ang signature drive para sa People’s initiative alinsunod sa April 8, 2022 Comelec resolution.

Sabi sa bahagi ng resolusyon na hindi kasama sa prohibition sa partisan political activities ang elective barangay officials sa ilalim ng section 261 (i) ng Omnibus Election Code.”

Gayunman binigyang diin ni Relucio sa Brigada News FM Daet na hindi pa malinaw sa ngayon kung hanggang saan ang “allowable participation” ng mga halal na opisyal tulad ng pagpapagamit ng mga barangay hall para sa naturang aktibidad.

Dahil sensitibo umanong isyu ang People’s Initiative may apela raw ang kalihim sa tulad nilang mga subordinate na maging maingat sa pagpapalabas ng pahayag ukol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *