DILG sa LGUs: Tanggapin ang PhilID bilang single requirement para sa lahat ng transaksyon

Ipinag-utos ng Department of Interior ang Local Government sa lahat ng mga LGUs na tanggapin ang Philippine Identification (PhilID) card bilang single requirement para sa lahat ng transaksyon sa Pilipinas.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, naglabas na siya ng memorandum na nag-aatas sa lahat ng mga lokal na pamahalaan na ikonsidera ang national ID card bilang sapat na proof of identity nang hindi na humihingi ng iba pang karagdagang identification document mula sa transacting public.

Kaugnay nito, hinimok rin ni Año ang mga pribadong sektor na pareho rin ang gawin, bilang ang PhilID ay sapat na para patunayan ang identity ng isang tao.

Sa loob ng PhilID, nakasaad ang mga impormasyon gaya ng picture, full name, address, sex, marital status, at date of birth ng isang tao, maging ang PhilSys Card Number (PCN), diffractive optically variable image device, QR (Quick Response) code, at PhilSys Number (PSN) Microprint para sa security purposes.

Nagbabala naman si DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na ang tatangging tanggapin o kilalanin ang PhilID o PSN nang walang sapat na dahilan ay haharap sa P500,000 na multa, habang ang mga government officials at employees, na hindi tatanggapin ang national ID ay magreresulta sa lifetime ban mula sa paghawak sa anumang public office o employment sa gobyerno, kabilang na sa mga government-owned and controlled corporations at ng kanilang subsidiaries. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *