DILG Sorsogon, nagpaalala sa mga Secretary at Treasurer ng SK na kasama sila sa turn over ng financial report

Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Sorsogon sa mga Secretary at Treasurer ng Sangguniang Kabataan ng mga Barangay na kasama sila sa turnover ng financial report at iba pang transaksyon ng SK bago ang November 30.

Sa panayam ng Brigada News kay Leandro Gigantoca, Cluster Head ng DILG Sorsogon, sinabi nito na kasama ang mga SK secretary at treasurer sa magiging administratively liable kapag mayroong iregularidad sa paggamit ng SK 10% fund.

Aniya, may mga SK secretary at treasurer kasi ngayon na basta nalang iniiwan ang kanilang posisyon na walang proper turnover kaya mas mainam aniya na makipagcoordinate sa DILG upang mabigyan ng gabay ang mga ito.

Ayon sa DILG Circular 2023-147, magkakaroon ng inventory at turn-over ng mga barangay properties at iba pang transaksiyon ang lahat ng incumbent Barangay at SK officials bago o sa mismong araw ng November 30.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *