DILG, suportado ang pag-isyu ng citation ticket ng mga Barangay officials sa mga health protocol violators

SORSOGON CITY – Walang nakikitang problema ang Department of Interior ng Local Government (DILG) Sorsogon sa ginawang hakbang ng ilang LGU sa lalawigan na pagpapahintulot sa mga Barangay Officials upang mag isyu ng citation ticket sa mga pasaway na residente na hindi sumusunod sa health protocols.

Ayon sa pinuno nito na si Julius Rodel Cal Ortiz, mahalaga ang papel ng barangay sa pagpigil sa pagkalat ng Covid-19, dapat lamang umano na maagap ang mga ito sa pagpapatupad ng minimum health standards sa kanilang pamayanan.

Naniniwala ang DILG na sa lebel ng barangay ang tunay na laban sa Covid-19 dahil sila ang nasa baba at malapit sa mga tao, kaya malaki ang responsabilidad ng mga ito sa pagpapatupad ng minimum health standards.

Gayunman, umaasa ang opisyal na hindi ito magiging dahilan upang malagay naman sa alanganin ang buhay ng mga opisyal ng barangay sa mga   reklamo mula sa ilang residente.

Ang Sorsogon City ang unang LGU na nagpatupad ng ganitong uri ng kautusan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *