DILG, tinukoy ang mga requirements na kailangang sundin ng mga nanalong kandidato bago manungkulan

Tinukoy ng Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon ang mga requirements upang makapag-assume na sa kanilang mga posisyon ang mga kandidatong nanalo sa BSK election.

Ang requirements ay batay na rin  sa inilabas na Memoramdum Circular No. 2023-166 ng DILG o ang Guidance on the Assumption of Office of the Barangay and SK Officials elected on October 30, 2023 synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) and other relevant directives.

Sa panayam ng Brigada News kay DILG Sorsogon Cluster Head Doods Gigantoca, sinabi nito na tatlo lang naman ang dapat na i-comply ng mga bagong halal na kandidato bago ang mga ito maupo sa kani-kanilang mga puwesto tulad ng proclamation, oath of office, at dapat na nakapagsumite na ang mga ito ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures o SOCE.

Sa mga nanalong SK naman bukod sa nasabing mga requirement ay kinakailangan na sumailalim ang mga ito sa isang araw na mandatory training.

Magiging pangunahing paksa sa nasabing training ang Republic Act No. 10742 o mas kilala sa tawag na Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 na siyang magiging gabay ng nasabing mga SK tungo sa tama at maayos na pagseserbisyo sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *