Diocese of Legazpi, naghahanda na sa para sa nalalapit na Semana Santa

LEGAZPI CITY – Naghahanda na ngayon ang lahat ng simbahan sa lunsod ng Legazpi para sa mga aktibidad na isasagawa na may kinalaman sa papalapit na Semana Santa.

Ayon kay Rev. Fr. Rex Paul Arjona, spokesperson ng Diocese of Legazpi, kailangang paghandaan ang mga aktibidad sa simbahan upang mapanatili ang seguridad ng mga tao ngayong mahal na araw.

Aniya, wala na ring gaanong restrictions na ipinatutupad na may kinalaman sa COVID-19 at nakikipag-ugnayan na ang sila sa mga Local Government Units at law enforcement agencies upang siguraduhin ang kaayusan at kapayapaan.

Hinimok ni Arjona ang publiko na makiisa sa lahat ng kanilang mga isasagawang aktibidad sa mga araw na ito.

Mas makabubuti umano kung isagawa ang three disciplines tuwing Kuwaresma, kasama rito ang pagpanalangin, pag-aayuno, pagbibigay-limos sa kapwa o almsgiving.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *