Direktiba ni Pangulong Marcos na pataasin ang produksyon ng isda, sinisikap  na maisakatuparan ng BFAR- Bicol

CAMARINES SUR- Sinisikap ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol na maisakatuparan ang direktiba ni Pangulong Marcos Jr, na napataasin ang produksyon ng isda.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Weng Briones, tagapagsalita ng ahensya sa rehiyon sa Serbisyo Caravan sa Calabanga kahapon Hunyo 30, 2023 na pinangunahan ng Philippine Information Agency, Lokal na Pamahalaan kasama ang iba’t-ibang government agencies.

Base sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga mangingisda at mga magsasaka ay ang mga nangunguna sa may mataas na poverty incidence noong 2021.

Kaya naman para sa mas magandang estado ng paghahanapbuhay, sinisikap ng BFAR na maipatupad ang mga programa tulad ng pagbibigay ng fingerlings, kaukulang training , technical assistance sa mga fishpond operators, pagrerehistro ng mangingisda at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *