Disaster response team sa bawat Lokal na Pamahalaan sa Camarines Sur mas pinalalakas pa ng PDRRMC

CAMARINES SUR – Puspusan din ang isinasagawang training seminar ng mga personahe ng bawat Municipal Disaster Risk Reduction Management Office bilang paghahanda sa anumang kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol at maging aksidente sa kalsada na pinangungunahan ng Camarines Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.

Isa sa mga kalahok ay grupo ninda Edwin Olitoquit ng LGU-Milaor na nagpadala ng ilang empleyado para magtraining lalo na sa mountain hiking na dapat matutunan kung papano ang pag-rescue sa mga bukid na at malalayong lugar.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Olitoquit, sinabi nitong mahalaga ang ganitong training para hindi rin sila mahirapan kung humingi ng tulong ang mga karatig bayan nila tulad ng Minalabac, Pamplona, San Fernando, Pasacao at Libmanan.

Bagamat halos alam na rin nila ang mga dapat gawin subalit kailangan pa rin nilang matuto pa ng iba pang mga bagong hakbang o sistema para higit silang maging kapaki-pakinabang kung may sakuna o kalamidad. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *