Discounts sa mga online purchase ng mga senior citizens at PWDs, epektibo na

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga e-commerce platforms na dapat nilang kilalanin ang mandatory discounts na iginagawad sa mga senior citizen (SC) and persons with disabilities (PWD).

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., epektibo na ang naturang hakbang matapos iisyu ng BIR ang Revenue Regulation (RR) No. 8-2023.

Dagdag ng komisyoner, ang SC at PWD Identification card number lamang ang kailangan at hindi na kasama rito ang pirma ng mga benepisyaryo dahil ang kanilang purchase ay ginawa online.

Gayunpaman, ang mga rules sa entitlement sa mga benepisyo ng mga senior citizen at persons with disabilities na may kinalaman sa pagbili ng mga ito sa online at mobile applications ay dapat na mahigpit na sundin.

Giit ni Lumagui, ang naturang issuance ay hakbang ng kanilang ahensya para gawing service-oriented ang BIR.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *