Disenyo ng resilient houses sa Typhoon Rolly victims, mula sa suhestyon ng APSEMO

LEGAZPI CITY – Mula umano sa suhestyon ng Albay Public Safety anf Emergency Management Office (APSEMO) ang mga resilient houses na donasyon para sa mga naapektuhan ng nagdaang Bagyong Rolly.

Ang kompletong disenyo ng mga ito ay ibinase sa mga una nang pinatayong mga bahay sa Mauraro Resettlement Site na pinonduhan ng United States Agency for International Development (USAID) para sa biktima na binuo ng International Organization for Migration (IOM) Regional Office for Asia and the Pacific.

Ayon kay APSEMO Chief Cedric Daep, katuwang ang mga engineers at ilang eksperto mula sa IOM, dinokumento nito ang units at dinagdagan ng iba pang features na upang matiyak na kaya nitong tumayo laban sa malalakas na bagyo, lindol o iba pang kalamidad.

Oras na matapos ang disenyo, ito na ang gagamitin bilang standard design ng lalawigan sa pagtatayo ng mga resilient housing and rehabilitation programs sa mga pamilyang apektado ng iba’t ibang kalamidad.

Matatandaang, bumisita sa lalawigan ang mga kinatawan mula sa IOM upang ipakita kay Daep ang mga ipinagawa nitong resilient houses na gawa sa Mayon Aggregates at nakatakdang i-turn-over ngayon sa mga piling residente na una nang naapektuhan ng nasabing bagyo sa bayan ng Pio Duran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *