Local News

Disiplina kailangan para makontrol ang pagdami ng covid-19 cases ayon sa PHO

ZAMBALES- Naniniwala ang Zambales Provincial Health Office na disiplina ang pinakakailangan ngayon para makontrol ang pagdami ng kaso ng covid-19.

Ang iba kasi umano ay nagiging kampante na kahit pa mayroong mga bagong variants ng virus na lumalabas.

Kahit na anong gawin umanong paalala sa lahat kung hindi rin naman susundin ng nakararami ay mahihirapang makontrol ang virus.

Isa pa dito, paliwanag ni Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, makakatulong rin ang willingness ng taumbayad na magpabakuna laban sa covid-19.

Sa ngayon ay nasa as of May 23 ay 171 ang aktibong kaso ng Zambales mula sa 2,133 confirmed cases nito habang 1,908 ang nakarekober at 53 ang pumanaw na.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

BNFM Olongapo

Recent Posts

Lalaki, pinagbabaril-patay sa Tiaong, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek sa Barangay…

54 mins ago

Mangingisdang direktor mula sa Catanduanes, ipinakilala na ng BFAR Bicol

BNFM Bicol-OPISYAL nang ipinakilala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol ang ika-19…

1 hour ago

86-anyos na ginang – patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Ermita, Maynila

Patay ang isang 86 anyos na babaeng Chinese matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa…

1 hour ago

Dalawang endangered na unggoy – nasagip ng DENR sa Caloocan City

Nailigtas ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang Philippine…

2 hours ago

Street buskers – bawal muna sa Baguio City

Ipinagbabawal muna ang mga street buskers sa Session Road sa Baguio City dahil sa hindi…

2 hours ago