Diskriminasyon sa may mga autism hindi na gaano nararanasan sa Naga City

NAGA CITY – Halos wala nang nangyayaring mga diskriminasyon sa mga may autism  sa lungsod ng Naga, at malawak na rin ang kamalayan ng publiko hinggil dito.

Ito ang napag-alaman kay Norelyn Oco, Post Special Education Supervisor sa City Persons With Disabilities Affairs Office (PDAO).

Ang mga mayroon ng nasabing kondisyon ay may iba sa behavior o pag-uugali at mga hindi angkop na pagkilos o movement, walang eye contact o walang proper communication.

Nagpapatuloy ang mga programa ng PDAO para sa kanila lalo na ngayong ipinagdiriwang ang Autism Week, bilang pagbibigay ng kahalagahan at pagmamahal.

Kabilang ang pagtuturo na makapagbasa, makapagsulat, mapagcompute at pagdevelop ng kanilang kakayanan sa mga programa ng opisina.

Ayon pa kay Oco, kakaunti na lamang ang may autism sa lungsod, at halos normal sa pisikal na aspeto, na ang ilan nga ay kaya nang makisama sa publiko lalo na kung dama nila ang pagmamahal ng magulang, pamilya, at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *