Distribusyon ng cash assistance o anumang ayuda sa Naga City hindi na padadaanin pa sa barangay clustering

NAGA CITY – Wala ng mangyayaring pang barangay clustering sa anumang porma ng pamimigay ng ayuda tulad ng relief goods, distribution ng cash assistance lalo na sa mga senior citizens sa Naga City.

Ito’y upang maiwasan na rin ang mga paglabag sa pinatutupad na standard health protocol kontra sa COVID-19.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga Liga Pres.at Ex-Officio Member City Councilor Antonio Dodit Beltran, sinabi nito na hindi na mauulit pa ang nangyari sa Concepcion Pequeña na kung saan nagsiksikan ang mga senior citizens sa pagkuha ng kanilang social pension.

Ayon kay Beltran, agad silang nagpulong na mga punong barangay hinggil sa nangyari at kailangan anyang hindi na maulit iyon, lalo pa ngayon na may kautusang inilabas si Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang sinumang barangay kapitan na hindi naipatutupad ng maayos ang health protocols.

Kaugnay nito nilinaw na opisyal na walang kasalanan ang mga barangay opisyal sa nangyaring siksikan sa Barangay Concepcion Pequeña.

Leave a Reply

Your email address will not be published.