Distribusyon ng plaka sa mga motorsiklo mas mabilis gamit ang ‘IDE-Robot’ – LTO

Mas mapapabalis umano ang distribusyon ng motorcycle license plates sa tulong ng pangawalang Integrated Development Environment Robot o IDE-Robot ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade, na kayang makagawa ng automated plate-making machine ng 450 na plaka kada oras o 3,600 na plaka sa loob ng 8 oras sa isang araw.

Pinuri niya si LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante sa high-tech robot initiative nito. First time umano nilang nagkaroon ng naturang facility at hindi na manu-mano ang pagawa ng plaka para sa mga motorsiklo.

Samantala, iginiit ni Galvante na malaking tulong ito para madagdagan ang kanilang kasalukuyang gamit upang mabigyan ng plaka ang lahat ng registered vehicles.  (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *