District Tax Campaign Kick Off inilunsad ng BIR RDO-18

Inilunsad ng Bureau of Internal Revenue RDO-18 Olongapo City ang District Tax Campaign Kick Off 2024 kahapon na isinagawa sa Iba, Zambales.

Binigyang diin ng bureau na istrikto nilang i-momonitor ang mga tax payers kaya mahalagang may sapat na kaalaman ang mga ito.

Sa kick-off ay ipinaliwanag ng BIR sa mga dumalo ang mandato ng ahensya at mga batas na dapat sundin.

Kasabay rin ng programa ay kinilala ang mga top tax payers na mga kompanya at indibidwal pati rin ang mga special contributors o mga katuwang ng opisina sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko.

Tumanggap naman ng cash prize at certificates ang tatlong mga accountancy students na nagwagi sa isinagawang tax quiz.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *