DMW, tiniyak ang tulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng lindol sa Taiwan

Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Toots Ople na handa ang pamahalaan na tulungan ang 147,000 OFW at pamilya ng mga ito na naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol sa Taiwan.

Sinabi ni Ople na bagamat base sa report na nakarating sa kanya, walang damage sa work area ng mga OFW at sa kanilang mga dormitoryo, tiniyak pa rin nito ang assistance sa mga kababayan doon.

Ayon kay Ople, nagbigay na siya ng direktiba sa Philippine Overseas Labor Office at iba pang workforce sa Taiwan na bigyan siya ng updated report sa sitwasyon ng mga OFW.

Hinimok din ni Ople ang mga OFW na panatilihin ang komunikasyon sa Philippine government at Filipino community representatives para sa anumang eventualities.

Si Ople ay kasalukuyang nasa America ngayon kasama si Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos pero naka-antabay naman siya sa mga updates sa nangyaring pagyanig sa Taiwan partikular sa Taitung country.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *