DMW – walang Pilipinong apektado sa bagong serye ng lindol sa Taiwan, at pagbaha sa Indonesia at Brazil

Tuluy-tuloy pa rin ang monitoring ng Department of Migrant Workers (DMW) sa sitwasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kasunod ng serye ng mga sakuna.

Sa Taiwan – muli itong niyanig ng magkakasunod ng malalakas na lindol.

Sabi ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac – wala pa silang namo-monitor na mga apektadong overseas Filipinos na apektado ng mga pagyanig.

Sa kabila nit, naka-high alert pa rin ang kanilang mga tanggapan doon.

Samantala, wala ring apektadong Pilipino sa malawakang pagbaha sa Brazil at sa Indonesia.

Matatandaaang sa huling ulat ay humigit-kumulang 80 na ang namatay sa pagbaha sa Brazil; habang higit isang dosena na ang namatay sa Indonesia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *